atomic number (a•tó•mik nám•ber) : bílang ng mga positibong karga o proton sa nukleus ng atom ng isang element, samakatwid, bílang ng mga elektron na karaniwang nakapaligid sa nukleus
index number (ín•deks nám•ber) : bílang na nagpapakíta ng pagkakaiba-iba ng mga presyo o sahod sa isang tiyak na panahon
quantum number (kwán•tum nám• ber) : isa sa mga set ng mga integer o mga kalahating integer na naglalarawan ng antas ng enerhiya ng particle o mga particle
international standard book number (ín•ter•ná•syo•nál is•tán•dard buk nám•ber) : ang sampung digit na bílang, itinatakda sa bawat aklat bago ang paglalathala, at batay ang mga numero sa wika, tagalathala, at pook na pinagmulan ng aklat